“๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—•๐—”๐—ฌ-๐—”๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ”, ๐—œ๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—จ๐—ก๐—ฆ๐—”๐—— ๐—ก๐—š ๐——๐—ฃ๐—ช๐—› ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—จ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฅ๐—˜๐—š๐—œ๐—ข๐—ก ๐Ÿฎ

Cauayan City – Inilunsad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region II ang programang โ€œLakbay-Alalayโ€ Motorists Assistance Program bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero ngayong Kapaskuhan at Bagong Taon.
Ayon kay DPWH Region II Regional Director Mathias L. Malenab, ipatutupad ang Lakbay-Alalay sa Disyembre 24, 2025 mula alas-8:00 ng umaga hanggang Disyembre 26, 2025 alas-5:00 ng hapon, at Disyembre 31, 2025 mula alas-8:00 ng umaga hanggang Enero 2, 2026 alas-5:00 ng hapon.
Paliwanag ni Regional Directora Malenab, layunin ng programa na magbigay ng agarang tulong sa mga motoristang magbibiyahe papasok at palabas ng Cagayan Valley Region upang makasama ang kanilang pamilya at mga mahal sa buhay ngayong holidays.
Ang mga Lakbay-Alalay Teams ay magsasagawa ng round-the-clock shifting upang magbigay ng emergency assistance sa mga manlalakbay.
Binubuo ang mga ito ng mga uniformed field at crew personnel ng DPWH na may nakahandang maintenance equipment at itatalaga sa mga strategic locations sa buong rehiyon, kabilang ang Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino.
Patuloy namang hinihikayat ng DPWH Region II ang mga motorista na mag-ingat sa pagbiyahe at makipag-ugnayan sa mga Lakbay-Alalay Teams sakaling mangailangan ng tulong sa daan.
Source and Photo Courtesy: DPWH-R2
Facebook Comments