𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗕𝗜𝗟𝗜 𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗚𝗔𝗥𝗜𝗟𝗬𝗢, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗧𝗔𝗠𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗜𝗗𝗟𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗕𝗢𝗟𝗜𝗡𝗔𝗢

Patay ang isang bente-dos anyos na lalaki matapos itong tamaan ng kidlat sa bayan ng Bolinao.

Ang biktima ay nakilalang si Roland Millamina, residente ng bayan ng Sual.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagtungo sa bahay ng kaanak ang biktima sa bahagi ng Brgy. Sampaloc, Bolinao upang mamasyal.

Nang ito ay umalis upang bumili lang sana ng sigarilyo sa kasagsagan ng ulan ay bigla na lang umano itong tinamaan ng kidlat.

Agad pa itong naisugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments