𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗗𝗨𝗠𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗫𝗜𝗘𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗜, 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗨𝗜𝗖𝗜𝗗𝗘

Wala nang buhay nang isinugod sa pagamutan ang 28 anyos na lalaki, tubong Brgy. Arwas, Bani matapos natagpuang nakasabit sa amba o wood frame sa kanilang bahay.

Lumalabas na alas onse ng gabi ng March 17, nanggugulo umano ang nasabing biktimasa kanilang bahay matapos makipag-inuman sa kanyang biyenang lalaki na. Humingi ng tulong ang live-in partner ng biktima sa kapatid nito upang mapatigil ang nanggugulong bilktima. Dito ay pumasok ng bahay ang biktima at live-in partner nito habang wala ang mga anak nito sa loob.

Bandang alas onse y medya ng gabi noon, dumating ang kapatid ng biktima sa bahay nito at nadatnan na nagbigti ang biktima sa amba gamit ang sintas ng sapatos.

Sa imbestigasyon, napag alaman na dumaranas ng anxiety ang biktima dahil sa problemang pampamilya. Kasalukuyang inihahanda ang post-mortem examination ng biktima. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments