𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗨𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗚𝗔𝗥𝗜𝗟𝗬𝗢, 𝗡𝗔𝗚𝗔𝗟𝗜𝗧 𝗔𝗧 𝗡𝗔𝗚 𝗔𝗠𝗢𝗞

Himas rehas ngayon ang isang 42 anyos na lalaki matapos mag-amok sa Purok 5. Brgy. Buenlag 2nd Bayambang, Pangasinan.

Kinilala ang suspek na si Ronald Ambat, isang mekaniko at residente sa bayan.

Ayon sa pulisya, Lasing umano ang suspek nang mangyari ang insidente. Hindi umano ito pautangin ng sigarilyo sa isang sari-sari store kung kaya’t ito ay nagalit at nag-amok.

Umuwi pa ang suspek upang kumuha ng kutsilyo at pinagbantaang papatayin ang biktimang nagmamay-ari ng sari-sari store na si Remedios Angwas.

Sinabi umano ng suspek na pagmamay-ari nito ang lupang kinatitirikan ng naturang tindahan kung kaya’t nag amok ito nang hindi siya pagbigyang umutang.

Inaresto ng mga rumespondeng pulis ang suspek at nahaharap sa kasong Alarm and Scandal at Grave Threat. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments