Monday, January 19, 2026

π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—žπ—œπ—‘π—š π—Ÿπ—”π—¦π—œπ—‘π—š 𝗔𝗧 π—‘π—”π—‘π—šπ—šπ—¨π—šπ—¨π—Ÿπ—’, 𝗔π—₯π—˜π—¦π—§π—”π——π—’; π—›π—œπ—‘π—œπ—›π—œπ—‘π—”π—Ÿπ—”π—‘π—š 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨, π—‘π—”π—žπ—¨π— π—£π—œπ—¦π—žπ—”



Cauayan City β€” Timbog ang High Value Individual (HVI) na kabilang sa target list ng PNP at PDEA sa Barangay Quezon, Naguilian, Isabela kahapon, ika-18, 2026, matapos umanong manggulo at makumpiskahan ng hinihinalang shabu.

Kinilala ang suspek sa alyas na β€œEdmund” o β€œNiΓ±o,” 30 taong gulang, residente ng naturang barangay.

Batay sa ulat, nagsasagawa ng intelligence monitoring at information gathering ang kapulisan nang mapansin nila ang suspek na may hawak na bote ng alak at umano’y tinatakot ang mga dumaraan. Nang tangkain siyang sawayin, naging agresibo ang suspek at patuloy na nagpakita ng kawalan ng paggalang kahit ipinakilala na ng mga operatiba ang kanilang sarili bilang mga pulis, dahilan upang siya ay arestuhin.

Sa isinagawang body search, narekober mula sa suspek ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang bote ng alak, at barya.

Matapos arestuhin, dinala ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa Naguilian Police Station para sa dokumentasyon at kaukulang proseso.

Nahaharap siya sa mga kasong paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code o Resistance and Disobedience to a Person in Authority, at Section 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

————————————–
β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Β www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments