𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗘𝗟𝗘𝗖𝗧𝗥𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗦𝗨𝗣𝗣𝗟𝗜𝗘𝗦 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗧𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚

Arestado ang isang 22 anyos na lalaki sa bayan ng Basista matapos pagnakawan ang kapitbahay ng electrical supplies.

Kinilala ang suspek na si Ricky Salvador. Ayon sa biktima na si Andrew Frias, bukas ang bintana kung saan inilagay ang electrical supplies gaya ng electrical cords, transformer at steel tubes.

Sinubukan umano nitong hanapin ngunit laking gulat nito nang makita sa bahay ng suspek. Aabot sa 25,000 ang kabuuang ninakaw ng suspek. Nakatakdang sampahan ng kasong pagnanakaw ang suspek na nasa kustodiya ng pulisya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments