𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗠 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗛𝗨𝗛𝗨𝗟𝗜 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔, 𝗡𝗔𝗧𝗨𝗞𝗟𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗔𝗛𝗔𝗦, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬

Wala ng buhay nang matagpuan ang isang 20 anyos na lalaki matapos itong matuklaw ng ahas sa Luna, La Union.

Kinilala ang nasawi na si Jian Gonzales, residente sa probinsya.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, pasado 7:30 ng umaga nang magpaalam ang biktima sa kaniyang kaanak na pupunta ng bukid upang manghuli ng palaka.

Pasado ala una ng hapon nang matagpuan si Gonzales ng kaniyang kapatid na nakahandusay 200 metro mula sa kanilang tahanan.

Ayon sa doctor na sumuri sa bangkay ni Gonzales natuklaw ito ng ahas na dahilan ng kaniyang pagkasawi.

Anim na oras na rin umanong patay ang biktima bago matagpuan ang kaniyang katawan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments