𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗔 𝗦𝗜 𝗦𝗜𝗟𝗚 𝗕𝗘𝗡𝗛𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗔𝗟𝗢𝗦, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗘𝗡𝗧𝗥𝗔𝗣𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Arestado ang isang nagpanggap na si DILG Sec. Benhur Abalos sa ikinasang Entrapment Operation ng mga otoridad sa bayan ng Lingayen dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ang suspek ay nakilalang si Edison Montealto residente ng Brgy. Baay bayan ng Lingayen kung saan ay nagpanggap bilang isang Larry Abalos na Chief of Staff ni SILG Benhur Abalos.
Ikinasa ang Entrapment Operation sa lugar ng suspek kung saan ay, lumalabas sa imbestigasyon na modus ng suspek ang tumawag sa mga biktima nito at sinasabing may pinadalang mga sako ng bigas ang DILG sa kanilang lokal na pamahalaan subalit tumirik ang sasakyang may karga ng mga ito kaya kailangang magpadala ng pera sa pamamagitan ng e-money.

Sa halagang ₱60k ay nagkasundo ang suspek na makipagkita sa isang operatiba ng PNP kung saan ay lumalabas na nagpakilala na Chief of Staff ni SILG Abalos ang suspek at dito na hinuli ito.
Lumalabas din sa imbestigasyon na marami nang nabiktima ang naturang suspek ng mga LGU gaya ng Maguindanao, Cotabato City at Masinloc (Zambales) na hiningan ng salapi.
Sa ngayon ay nahaharap na sa kaukulang kaso ang nasabing suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments