𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗜𝗣𝗜𝗡𝗧𝗨𝗥𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗞𝗨𝗥𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘

Patay matapos makuryente ang isang lalaki habang ito ay nagpipintura ng kanyang bahay sa San Carlos City.

Ang biktima ay kinilalang si Michael Perez residente ng Brgy. Bega sa nasabing Lungsod.

Naganap ang insidente pasado alas nuebe ng umaga habang nagpipintura ng bubong ng bahay nito ang biktima nang aksidente nitong nahawakan ang live wire dahilan upang makuryente ito.

Agad naman itong isinugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments