𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗛𝗔𝗛𝗔𝗥𝗔𝗣 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗥𝗔𝗣𝗘, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢

CAUAYAN CITY – Arestado ang isang lalaking tinaguriang Top 5 Provincial Most Wanted Person sa kasong Rape matapos ang operasyong isinagawa kahapon, ika-2 ng Agosto, ng Nagtipunan Municipal Police Station sa bayan ng Nagtipunan, probinsya ng Quirino.

Ang suspek ay kinilala bilang si alyas “Low”, 27-anyos, may asawa, magsasaka, at residente sa nabanggit na bayan.

Nahuli si alyas “Low” sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Hon. Winston Aris Mariano Mendoza, Executive Judge ng RTC Branch 38, Maddela-Nagtipunan, Quirino na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Mahaharap ang suspek sa kasong RA 8353 o ang Anti-Rape Law of 1997.

Samantala, naaresto ang suspek sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng Nagtipunan Municipal PS, Quirino Provincial Intelligence Unit (QPIU), Regional Intelligence Unit 2, at 2nd Quirino Provincial Mobile Force Company.

Facebook Comments