𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢

Arestado ang 60 anyos na si Paulino Lorenzo mula sa Brgy. Pinmaludpod, Urdaneta City matapos umano itong mambanta sa isang estudyante.

Sa imbestigasyon, nagtungo umano ang suspek sa bahay ng biktima na si Janisse Porquillano dala ang itak nito at nagsabi na papatayin umano nito ang tatay ng biktima. Nang sabihin umano nito na wala doon ang tatay ay sinabi pa nitong papatayin at sasaksakin niya ito. Sa takot ay sumaklolo sa kamag-anak ang biktima.

Agad namang naaresto ang suspek at kasalukuyang nasa kustodiya ng awtoridad habang inihahanda ang kaukulang kaso laban dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments