๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—œ๐—ก๐—š ๐—ก๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—”๐—›๐—”๐—ฆ๐—” ๐—ก๐—š ๐Ÿญ๐Ÿฎ-๐—”๐—ก๐—ฌ๐—ข๐—ฆ ๐—ก๐—œ๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—ž๐—œ๐—ก, ๐—”๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—”๐——๐—ข

Cauayan City – Arestado ang isang lalaki na itinuturing na Number 1 Regional Most Wanted Person sa Cagayan Valley, matapos itong masakote ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Isabela katuwang ang lokal na pulisya.
Kinilala ng CIDG ang suspek sa alyas na โ€œJuan,โ€ isang may-asawa at magsasaka, residente ng Purok 2, Barangay Dalig, Burgos, Isabela.
Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa Qualified Rape of a Minor na inilabas ng hukuman sa Ilagan City noong Disyembre 18, 2025, na walang inirekomendang piyansa.
Ayon sa mga awtoridad, ang kaso ay nag-ugat sa insidenteng umanoโ€™y naganap Disyembre 23, 2024 bandang alas-3:00 ng madaling araw, kung saan ginahasa umano ng suspek ang kanyang sariling 12-anyos na pamangkin sa loob ng kanilang bahay sa Burgos, Isabela.
Matapos ang insidente, pinagbantaan umano ng suspek ang bata na huwag magsasabi kaninuman.
Makalipas ang ilang araw, nagkaroon ng lakas ng loob ang menor de edad na ipaalam sa kanyang ama ang sinapit, dahilan upang magsampa ng pormal na reklamo ang pamilya.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek at haharap sa kaukulang kaso sa korte.
Photo for Illustration Only
Facebook Comments