𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚𝗜𝗦𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗢𝗟𝗜𝗡𝗔𝗢, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗧𝗔𝗠𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗜𝗗𝗟𝗔𝗧

Isa ng malamig na bangkay nang matagpuan ang isang trentay tres anyos na lalaki matapos itong tamaan ng kidlat habang nangingisda sa bayan ng Bolinao.
Ayon sa imbestigasyon, pasado alas kwatro ng madaling araw ng nagtungo sa dagat ang biktima upang mangisda subalit bigong makabalik.
Pasado alas otso naman ng umaga ng makitang palutang lutang na sa dagat ang nasabing biktima na agad isinugod sa pagamutan subalit idineklarang Dead on Arrival.

Ayon sa imbestigasyon, tinamaan ng kidlat sa ulo ang biktima habang nangingisda na siyang dahilan ng kanyang agarang pagkamatay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments