𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗪𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬

Natagpuang palutang-lutang ang bangkay ng isang lalaking naunang iniulat na nawawala matapos itong hinihinalang nalunod sa bayan ng Calasiao.

Ang biktima ay napaulat na nawawala nitong Biyernes Santo sa isang tulay sa bayan ng Calasiao partikular sa Brgy. Lasip.

Kahapon ng umaga ay nakita ang bangkay ng biktima na palutan- lutang sa bahagi ng ilog sa Bacayao Sur, Dagupan City.

Kinilala ang biktima na si Ferdinand Cuison residente ng Brgy. Nagsaing sa nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon, nakita nilang naliligo sa nasabing ilog ang biktima hanggang sa nawala at kalauna’y natagpuang palutang-lutang na sa nasabing ilog. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments