𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗡𝗨𝗕𝗨𝗞𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗢, 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔

Tatakas pa sana ang 39 anyos na lalaki mula Brgy. Batang, Infanta sa manhunt operation na ikinasa laban dito upang arestuhin sa kasong pagnanakaw ngunit napigilan at naaresto rin ng awtoridad.
Napansin umano ng mga awtoridad ang motorsiklo na minamaneho ng suspek kaya sinubukan nitong tumakas. Ngunit nang napigilan ito ay bigla niyang itinapon ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu.
Nahaharap sa kasong pagnanakaw ang suspek na isinampa dito noong Disyembre ng nakaraang taon, at kasalukuyan kay sasampahan din ito ng paglabag sa RA 9165. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments