
Cauayan City โ Sa patuloy na kampanya laban sa iligal na droga, matagumpay na naisagawa ang isang buy-bust operation sa Brgy. Divisoria Norte, Maddela, Quirino.
Naaresto sa operasyon ang suspek na kinilalang si alyas โJoey,โ residente ng Brgy. Panang, San Agustin, Isabela.
Nakumpiska sa suspek ang dalawang (2) sachet ng hinihinalang shabu at isang .38 caliber na baril na walang serial number at tatak, kasama ang dalawang (2) bala.
Matapos ang pagkakaaresto, agad siyang dinala sa Maddela Police Station para sa dokumentasyon.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act, RA 10591 Illegal Possession of Firearms and Ammunition, at Omnibus Election Code dahil sa paglabag sa gun ban.
Facebook Comments