𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢

CAUAYAN CITY – Matagumpay na naaresto sa ikatlong pagkakataon ang isang lalaki sa isinagawang drug buy-bust operation ng City Drug Enforcement Unit ng Tuguegarao Component City Police Station sa Brgy. Tanza, Tuguegarao City, Cagayan.

Ang suspek ay kinilala bilang si alyas “Regie”, 26-anyos, at isang helper.

Nahuli ito matapos bentahan ng hinihinalang shabu ang isang operatiba na nagpanggap bilang buyer.


Nakumpiska rin mula sa kanya ang isa pang sachet ng shabu, isang libong piso na ginamit bilang buy-bust money, at ang isang motorsiklo.

Si alyas “Regie” ay mahaharap sa kasong paglabag sa Sekyon 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments