Tuesday, February 24, 2026

𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗪𝗔𝗡𝗧𝗘𝗗 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬, 𝗡𝗔𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗗𝗜𝗡𝗔𝗣𝗜𝗚𝗨𝗘

Cauayan City — Hindi na makakatakas pa sa kamay ng batas ang isang lalaking wanted sa kasong pagpatay matapos na maaresto sa Brgy. Bucal Norte, Dinapigue, Isabela kahapon, ika-23 ng Pebrero.
Naaresto ang suspek na kinilalang si alyas “Bong,” 27 anyos, isang construction worker at residente ng Brgy. Dimaluade, Dinapigue, Isabela, itinuturing na Top 2 Most Wanted Person sa probinsya ng Isabela.

Isinagawa ang pag-aresto ng mga tauhan ng Dinapigue Municipal Police Station sa pangunguna ng kanilang Joint Tracker Team, katuwang ang iba pang operating units, sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 36 Santiago City. Dahil sa bigat ng kasong Murder na isinampa laban dito, walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Kasabay ng pagkakaaresto, maayos na ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatan alinsunod sa Miranda Doctrine bago siya dinala sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon bago iharap sa korte.

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments