𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗜𝗜𝗡𝗚𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗟𝗜𝗦𝗘𝗡𝗦𝗬𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟

Cauayan City – Arestado ang isang lalaki matapos itong positibong masamsaman ng hindi lisensyadong baril kahapon, ika-4 ng Agosto, sa Brgy. Mabini, Alicia, Isabela.

Sa bisa ng Search Warrant na isinilbi ng mga awtoridad, nakuha sa pag-iingat ng suspek na si alyas “Jep”, 49 anyos, ang isang caliber 38 revolver na walang serial number na naglalaman ng tatlong piraso ng live ammunition.

Aminado naman ang suspek na dalawang buwan na umanong nasa kanyang pag-iingat ang nasamsam na baril, subalit sinabi nito na ibinigay lamang umano ito sakanya ng kanyang kakilala upang sana ay ayusin dahil sa sira umano ito.


Samantala, dahil sa pakikipagtulungan ni Alyas “Jep” sa mga awtoridad ay naging payapa at maayos naman ang pagsisilbi ng Search Warrant.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Alicia Police Station ang mga nakumpiskang ebidensya ganundin ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms And Ammunition Regulation Act.

Facebook Comments