𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗦𝗔𝗠𝗦𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔 𝗔𝗧 𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗜𝗔𝗚𝗢 𝗖𝗜𝗧𝗬

CAUAYAN CITY- Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos masamsaman ng iligal na droga at baril sa Purok 7 Brgy. Mabini, Santiago City.

Kinilala ang suspek na si alyas “Daniel”, nasa wastong edad, at residente ng nabanggit na lungsod.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest kung saan nasamsam mula sa suspek ang isang (1) unit ng Armscor 9mm pistol bearing na may inserted magazine loaded ng six (6) ammunition ng 9mm, isang (1) piraso ng replica pistol, limang (5) piraso ng ammunition ng cal.40, at isang (1) piraso ng maliit na transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 3.8 gramo na nagkakahalaga ng Php 24, 480.


Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa pag-iingat ng Santiago City Police Office Station 4 para sa kaukulang dokumentasyon.

Samantala, mahaharap naman ang akusado sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments