
Cauayan City – Nadakip ng mga awtoridad abg isang lalaki na si alyas “Mario” matapos umanong mahuling nagpuputol ng kahoy nang walang kaukulang pahintulot sa Brgy. Lurad, Diadi.
Ayon sa ulat ng Diadi Police Station, isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng tawag mula sa isang concernes citizen hinggil sa ilegal na aktibidad sa kabundukan.
Agad na rumesponde ang mga pulis, kasama ang mga tauhan ng 2nd Maneuver Platoon ng 1st Nueva Vizcaya Police Mobile Force Company.
Nagtungo sa lugar ang kapulisan at narinig ang ingay ng chainsaw at namataan ang dalawang lalaki na aktibong namumutol ng kahoy, subalit nakatakas ang isa sa mga suspek.
Nabigo si “Mario” na magpakita ng permit sa paggamit ng chainsaw at pahintulot sa pagputol ng kahoy kaya siya ay inaresto at ipinaalam ang kanyang mga karapatan.
Sa kasalukuyan, si Mario ay nahaharap sa kasong paglabag sa PD 705 o Revised Forestry Code of the Philippines at RA 9175 o Chainsaw Act of 2002.
Source: DIADI MPS
photo: For Illustration only
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan
Facebook Comments










