𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗚𝗔𝗛𝗔𝗦𝗔

CAUAYAN CITY- Himas-rehas ngayon ang lalaking tinaguriang Top 8 Most Wanted Provincial Level sa Brgy. San Jose, San Pablo, Isabela.

Kinilala ang suspek na si alyas “Ben”, nasa hustong gulang, at residente ng nasabing lalawigan.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong ika-29 ng Agosto taong kasalukuyan sa kasong statutory rape kung saan walang inirekomendang pyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa kustodiya ng San Pablo Police Station para sa kaukulang dokumentasyon bago ibalik sa korteng pinagmulan nito.

Facebook Comments