𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗛𝗜𝗠𝗔𝗦 𝗥𝗘𝗛𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗨𝗧𝗢𝗥𝗬 𝗥𝗔𝗣𝗘

Cauayan City- Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos masilbihan ng warrant of arrest sa Brgy. Dubinan West, Santiago City, Isabela.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court, Second Judicial Region, Branch 4, Tuguegarao City, Cagayan sa kasong Statutory Rape kung saan walang inirekomendang pyansa habang P120,000 sa kasong Rape Through Sexual Assault para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa pangangalaga ng Santiago Police Station 2 para sa kaukulang dokumentasyon bago ibalik sa korteng pinagmulan nito.


Samantala, ang pagkakadakip sa suspek ay dahil sa pinaigting na kampanya ng mga kapulisan laban sa kriminalidad.

Facebook Comments