
Cauayan City – Nahaharap sa kasong Hate Crime ang isang 32-anyos na lalaki matapos araruhin ng isang sasakyan sakay ang isang Black Pick-up truck sa Brisbane, Australia.
Dinakip ng mga awtoridad ang isang lalaki na kalaunan ay natunton ng mga imbestigador matapos ang masusing imbestigasyon dahil sa pag-araro nito sa gate ng isa sa pinakamalaking sinagoga.
Batay sa ulat ng Queensland Police, naganap ang insidente noong Biyernes ng gabi nang bumangga ang isang itim na pickup truck sa gate ng Brisbane Synagogue, dahilan upang ito ay matumba.
Kaagad namang umalis ang sasakyan matapos ang insidente.
Dahil dito, kaagad na nagsagawa ng imbestigasyon ang pulisya na kaagad namang natunton ng mga imbestigador ang naturang sasakyan at inaresto ang suspek.
Samantala, wala namang naiulat na nasugatan sa naturang insidente.
Humarap naman ang lalaki sa Brisbane Magistrates Court nitong Sabado kung saan sinagot nito ang mga kasong kabilang ang wilful damage, serious vilification or hate crime, dangerous driving and possession of a dangerous drug laban sa kanya.
Ayon naman kay Queensland Premier David Crisafulli, na ang naturang insidente sa lugar ay nakakabahala.
Samantala, patuloy namang nakikipag-ugnayan ang mga lider ng komunidad at pulisya upang tiyaking mabibigyan ng agarang aksyon ang nasabing insidente.
Dahil dito, tiniyak rin ng pamahalaan ng Queensland na seryoso nilang tutugunan ang mga ganitong uri ng pag-atake upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa komunidad.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










