
Cauayan City – Arestado ang isang 43-anyos na pintor matapos mahulihan ng hinihinalang ilegal na droga at baril sa ikinasang anti-illegal drug buy-bust operation ng Roxas Municipal Police Station (MPS) sa NIA Road, Barangay Simimbaan, Roxas, Isabela.
Kinilala ang suspek bilang alyas βTotoy,β may asawa at residente ng Barangay Rang-Ayan, Roxas, Isabela.
Naisagawa ang operasyon sa pamumuno ng Roxas MPS sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 2.
Nakumpiska mula sa suspek ang humigit-kumulang 0.65 gramo ng hinihinalang shabu, isang baril, dalawang magazine, at siyam na bala, na ayon sa mga awtoridad ay walang kaukulang dokumento ang mga nakumpiskang armas.
Bukod dito, nasamsam din ang buy-bust money na ginamit sa operasyon, ibaβt ibang personal na gamit, isang motorsiklo, at ilang halaga ng pera.
Matapos ang imbentaryo, dinala ang suspek sa hinpikan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon.
Samantala, ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










