𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡𝗚 𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗦𝗢𝗟

Isang lalaki ang natagpuang wala nang buhay sa isang bahay sa Purok 4 Pantalan, Brgy. Poblacion sa bayan ng Dasol kamakailan.

Samantala, ayon sa nakalap na imbestigasyon ng kapulisan, ang mismong biyenan nito ang nakakita sa wala nang buhay nitong manugang sa kwarto nito na may taling nylon sa leeg na naka-attach sa kisame.

Tinakbo pa sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival na ito.

Kasalukuyang nakaburol ang lalaki sa Dasol. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments