𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗔𝗧𝗔𝗞𝗜𝗛𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗦𝗢 𝗦𝗔 𝗟𝗢𝗢𝗕 𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬

Patay ang isang singkwentay-singko anyos na lalake habang nasa loob ng isang Inn sa Alaminos City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, humingi ng tulong ang kasama nitong kwarentay-singko anyos na babae sa isang staff ng inn matapos mahulog at mawalan ng malay ang lalaki.

Isinugod pa sa ospital ang biktima subalit idineklarang dead on arrival.

Napag-alaman sa imbestigasyon na may sakit sa puso ang biktima matapos itong kumpirmahin mismo ng kanyang pamilya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments