𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗡𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗡𝗘𝗛𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥

Dead on arrival sa pagamutan ang 48 anyos na lalaki matapos itong mawalan ng kontrol sa minamanehong motor sa kahabaan ng Brgy. Lobong, San Jacinto, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Virgilio Villanueva.

Ayon sa mga saksi, patungong Pozorrubio ang biktima nang mawalan ito ng kontrol sa manibela.

Lumagpas ito sa kabilang linya hanggang sumalpok sa puno ng mahogany sa tabing kalsada.

Negatibo sa alcohol breath test si Villanueva. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments