𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗢𝗭𝗢𝗥𝗨𝗕𝗕𝗜𝗢

Patay ang isang 25 anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Brgy. Alipangpang, Pozorrubio, Pangasinan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakaupo ang biktima sa labas ng kainan kasama ang kaniyang katrabaho nang dumating ang dalawang suspek lulan ng motorsiklo at pinagbabaril ng backride ang biktima.

Idineklarang dead on arrival ang biktima ng doktor na nagtamo ng tama ng baril sa kanang dibdib.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na calibre 45 ang ginamit sa krimen.

Inaalam na ng awtoridad ang motibo sa pamamaslang sa biktima maging ang pagkakakilanlan ng suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments