𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗨𝗧𝗜𝗦𝗧𝗔, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗦𝗔𝗞

Dead on arrival nang itakbo sa ospital ang lalaki mula sa bayan ng Bautista matapos itong saksakin ng isang lalaking nasa impluwensya ng alak.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng suspek na isang 46 anyos na lalake,, at biktima na isang 36 anyos, na parehong residente sa bayan. Pawang nakainom ang dalawa nang nagkainitan sa kanilang compound.

Sinaksak ng suspek sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima gamit ang isang kutsilyo habang ginamitan din ng icepick ng biktima ang suspek bilang panlaban.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kaukulang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments