𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗟𝗖𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗜𝗡𝗨𝗠𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗗𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗖𝗔𝗣𝗧𝗔𝗜𝗡

Kasalukuyang inoobserbahan pa sa pagamutan ang isang sesenta y singko anyos na lalaki sa bayan ng Alcala matapos mauwi sa pamamaril ang isang inuman doon.

Ang biktima ay nakilalang si Delfin Prosejor pansamantalang nanunuluyan sa bayan ng Sto. Tomas habang ang suspek ay nakilalang si Albert Biala dating Brgy. Captain ng Brgy. Pindangan East sa nasabing bayan ng Alcala.

Ayon sa imbestigasyon, nag-iinuman ang dalawa kasama ang isa pang kasamahan nila sa bahay ng suspek ng bigla umanong bumunot ng baril ang suspek at binaril sa bahagi ng dibdib ang biktima.

Agad naman itong naisugod sa pagamutan habang naaresto ang dating kapitan kasama ang baril na ginamit na isang Caliber-38 pistol.

Inaalam pa ngayon ang motibo sa nasabing pamamaril. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments