𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗭𝗢𝗥𝗥𝗨𝗕𝗜𝗢, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗚

Patay ang isang trenta y kwatro anyos na lalaki matapos itong malunod sa bayan ng Pozorrubio.

Ang biktima kasama ang kanyang kapatid ay nagtungo sa bahagi ng Manaol River sa nasabing bayan upang maligo ng lasing.

Naligo at nagpunta sa malalim na bahagi ng ilog ang biktima hanggang sa ito ay bigo ng umahon.

Dito na humingi ng tulong ang kapatid nito sa Brgy. Officials at pinagtulungang hanapin ang biktima.

Makalipas ang ilang sandali ay naiahon ito mula sa malalim na bahagi ng ilog at agad na dinala sa hospital subalit idineklarang dead on arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments