𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗟𝗢𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗬 𝗦𝗔𝗞𝗦𝗔𝗞 𝗦𝗔 𝗧𝗜𝗬𝗔𝗡

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pagkakakilanlan ng taong nasa likod ng pananaksak sa isang Lalaki sa bayan ng Binalonan

Una rito ay nakitang wala ng buhay ang biktimang si Rodolfo Vidal, residente ng bayan ng Bani, may saksak sa tiyan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nakipag-inuman pa ang biktima sa kanyang mga kapatid at bayaw at makalipas ang ilang sandali ay nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang live-in partner.

Nagawa pa naman umanong makauwi ng mga ito sa kanilang bahay subalit nakita na lang kinaumagahan ang bangkay ng biktima na may saksak sa tiyan at wala ng buhay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments