𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Umaabot sa dalawang daang libong piso na halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isang kwarenta anyos na lalaki sa ikinasang buy bust operation sa Dagupan City.

Ang suspek ay nakilalang si Camar Dirampatun, residente ng bayan ng Calasiao.

Ikinasa ang buy bust operation pasado alas sais ng Gabi sa Barangay Bacayao Sur na nagresulta sa pagkakakumpiska sa suspek ng anim na sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng tatlumpung gramo at nagkakahalaga ng ₱204,000.

Nahaharap na sa kaukulang kaso ang nasabing suspek na kabilang sa listahan ng mga street level individual sa usapin ng illegal drugs. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments