𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗧𝗔𝗧𝗟𝗨𝗠𝗣𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Kalaboso ang isang bente dos anyos na lalaki matapos itong mahulian ng shabu sa ikinasang buy bust operation sa Dagupan City.

Isinagawa ang buy bust operation laban sa suspek pasado alas dos ng madaling araw sa isang barangay sa Dagupan City na nagresulta sa pagkakakumpiska sa suspek ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng limang gramo at nagkakahalaga ng mahigit tatlumpung libong piso.

Inihahanda na ngayon ang kaukulang kaso na isasampa laban sa suspek na kabilang din sa street level individual sa usapin ng illegal drugs sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments