Patay ang isang lalaki sa Bacarra, Ilocos Norte dahil sa heat stroke. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naglalakad ang lalaki papunta sana sa ilog upang maligo ngunit sa sobrang init ay bigla itong natumba.
Hindi rin umano agad nakita ang biktima kaya’t huli na nang maitakbo ito sa ospital. Lumalabas sa post mortem examination ng awtoridad, heat stroke ang dahilan ng pagkasawi ng biktima.
Payo ng awtoridad, iwasan muna ang paglalagi sa labas sa mga oras ng alas diyes hanggang alas tres ng hapon dahil dito madalas nararanasan ang sobrang init na panahon. Dapat din umano na dalasan ang pag-inom ng tubig upang mapanatiling hydrated ang buong katawan at maiwasan na mabiktima ng heat stroke. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments