𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Timbog sa buy bust operation ang Isang kwarenta y sais anyos na lalaki sa Urdaneta City.

Ang suspek ay nakilalang si Elbert Adriatico Residente ng Poblacion sa nasabing lungsod.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek pasado alas tres ng hapon sa Brgy. Nancamaliran West na nagresulta sa pagkakakumpiska sa suspek ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng .44 grams at nagkakahalaga ng halos tatlong libong piso.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments