𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗜𝗚𝗧𝗜 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗪𝗔𝗟𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗩𝗘-𝗜𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗧𝗡𝗘𝗥

Ang paghihiwalay nila ng kanyang live-in partner ang pinaniniwalaang dahilan ng pagpapakamatay ng isang bente uno anyos na lalaki sa Urdaneta City.

Nakita itong nakabigti sa ginagawang bahay ng kanyang kapitbahay sa nasabing lungsod ng kanyang nakababatang kapatid.

Bago ito ay ilang beses umanong nagsabi na magpapakamatay ang biktima matapos nitong damdamin ang paghihiwalay nila ng kanyang live-in partner.

Isinugod pa sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead on arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments