𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔𝗦𝗜𝗦 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗨𝗧𝗢𝗞 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟

Nahaharap sa kaukulang kaso ang Isang trentay nwebe anyos na lalaki matapos itong magpaputok ng baril sa bayan ng Villasis

Ang suspek ay nakilalang si Jeric Montero residente ng brgy San Nicolas sa nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon, makariing ng magkakasunod na putok ng Baril mula sa compound ng suspek kung saan sila ay nag iinuman.

Agad naman itong tinungo at nakita pang may itinapon ang suspek matapos napansin Ng paparating ng mga pulis subalit nakuha din ito agad.

Isang caliber 9mm pistol na may dalawang magazine siyam na kapsula at Isang bala ang nakumpiska mula sa suspek na sa ngayon ay Hawak na ng pnp at nakatakdang Sampahan ng kaso matapos na mabigong makapagpakita ng kaukulang dokumento kaugnay dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments