Sugatan ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng kaniyang sariling pinsan sa Brgy. Buenlag, Binmaley, Pangasinan.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, hinamon ng biktima ang suspek ng suntukan at binantaan pa umano na papatayin ito. Sa galit ng suspek, kumuha ito ng kutsilyo sa sariling bahay at pinagsasaksak ng ilang beses ang pinsan.
Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima at kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan.
Tinuturong dahilan ang matagal nang personal na hindi pagkakaunawaan ng dalawa. Desidido ang pamilya ng biktima na kasuhan ang suspek. Nahaharap ito sa kasong Frustrated Murder.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments