𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗘𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔

CAUAYAN CITY- Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaking tulak ng iligal na droga matapos ang ikinasang buy-bust operation sa Purok 2 Brgy. Rizal, Santiago City.

Kinilala ang suspek na si alyas “Darwin”, 48-anyos, at residente ng Purok 2, Silauan Norte, Echague, Isabela.

Naaresto ang suspek matapos magbenta ng isang (1) pakete ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 0.3 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php 2,040.00 sa isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer.


Narekober rin sa suspek ang buy-bust money at isang traysikel.

Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa himpilan ng kinauukulan para sa kaukulang dokumentasyon.

Mahaharap naman si alyas “Darwin” sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments