𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗖𝗛𝗘𝗖𝗞𝗣𝗢𝗜𝗡𝗧, 𝗛𝗜𝗡𝗔𝗕𝗢𝗟 𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦𝗬𝗔, 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔

Timbog ang isang lalaki matapos subukang tumakas sa oplan sita ng pulisya sa Brgy. Amacalan, Malasiqui, Pangasinan.

Kinilala ang suspek na si Romeo Sison Jr., 46 anyos residente sa bayan.

Hinabol ng pulisya si Sison matapos humarurot ang minamanehong motorsiklo papalayo sa checkpoint.

Nakunan ito ng 1.61 na gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 10, 948 at drug paraphernalias.

Posible umanong ibebenta ng suspek ang shabu nang hindi inaasahang may checkpoint sa kaniyang daraanan.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments