Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration o PAGASA Dagupan na ang lalawigan ng Pangasinan ay nasa ilalim na ngayon ng drought season o tagtuyot.
Sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay Chief Meteorologist Engr. Jose Estrada Jr. ng PAGASA Dagupan na base sa inilabas na assessment ng PAGASA National ay ang lalawigan ng Pangasinan ay nasa ilalim ngayon ng kategoryang Drought season o panahon ng tagtuyot.
Ayon sa opisyal, nagsimula ang pagiging dry condition ng probinsiya noong buwan pa ng Nobyembre 2023 kung saan ang kondisyon na ito ay ang dalawang buwan na sunod-sunod na naging below normal o hindi sapat ang tubig ulan na bumuhos sa kalupaan.
Habang ang dry spell naman ay nasa below normal rainfall pa rin ang tubig ulang bumuhos sa kalupaan sa loob ng tatlong buwan.
Samantalang ang Drought Condition naman ay limang buwan na sunod-sunod na below normal ang ibinuhos na ulan sa lupa.
Aniya pa magtatagal ang tagtuyot sa probinsiya hanggang unang quarter ng taong 2024.
Bagama’t may nararanasang tagtuyot ay pinawi naman ng opisyal ang maaaring pangamba ng publiko na magkakaroon pa rin ng light rains o bahagyang pag-ulan sa iba’t-ibang bahagi ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨