Nakapagtala na ng tatlong kaso ng pertussis ang lalawigan ng Pangasinan.
Ito mismo ang kinumpirma ni Provincial Health Officer Dr. Anna De Guzman sa panayam ng IFM News Dagupan.
Ayon sa opisyal, ang mga lugar na nakapagtala ng nasabing kaso ay mga bayan ng San Nicolas Sto. Tomas at Urdaneta City.
Pinayuhan Naman nito ang publiko na agad magpakunsulta kapag nakakaranas ng mga sintomas nito lalo na at halos katulad nito ang mga simpleng ubo lamang bagamat nakakamatay.
Tiniyak naman ng opisyal na handa ang mga pampublikong pagamutan sa Pangasinan sa mga nais ipakunsulta ang kanilang mga anak kaugnay dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments