𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗢. 𝟭 𝗧𝗢𝗣 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗖𝗘𝗥 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡

Nangunguna ang lalawigan ng Pangasinan sa may pinakamalaking produksyon o number 1 top producer ng palay sa buong Rehiyon Uno.

Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bukod sa pagiging una nito sa Region 1, pangatlong palay top producer din ang lalawigan sa buong bansa.

Nagpahayag naman ng suporta ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan at tiniyak ang patuloy na pagsusulong ng mga programang makatutulong sa sektor ng agrikultura at sa mga magsasaka sa lalawigan.

Samantala, patuloy na umaarangkada ang Corporate Farming na isa sa mga nagbibigay daan upang mapataas at mapalaki pa ang kita ng mga magsasaka maging paggamit sa mga makabagong teknolohiya sa trabahong pansaka. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments