𝗟𝗔𝗦𝗜𝗡𝗚, 𝗡𝗔𝗠𝗕𝗔𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗧𝗦𝗜𝗡𝗘𝗟𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡

Sapul ang angkas ng isang motorista ng tsinelas matapos umanong batuhin ng bente anyos na lalaki sa Barangay Malabago sa bayan ng Mangaldan bandang alas-onse ng gabi kamakailan.

Diumano, kinuha ng lalaki ang kanyang tsinelas at biglang binato ito sa motoristang dumaan sa kalsada. Natamaan ang angkas ng motorista sa batok at nagreklamo naman sa kinauukulan ng barangay.

Agad naman na ipinatawag ang lalaki sa barangay at umamin na nakainom siya nang mangyari ang insidente. Humingi rin ng paumanhin ang lalaki sa kanyang binato.

Samantala, mahigpit na ipinatutupad ng Barangay Malabago ang kanilang curfew hours mula alas diyes ng gabi hanggang alas kwatro ng madaling araw. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments