𝗟𝗔𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗡𝗨𝗘𝗟, 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗪𝗔 𝗡𝗜𝗧𝗢 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗣𝗔𝗞𝗜𝗨𝗦𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗛𝗜𝗠𝗜𝗞 𝗗𝗜𝗦 𝗢𝗥𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗕𝗜

Dalawang beses na tinaga ang 41 anyos na construction worker kinilala bilang si Antonio Mengrasan mula sa Brgy. San Juan, San Manuel matapos nitong pakiusapan ang mga nag-iinuman na kapwa construction worker na manahimik.

Nangyari ang insidente mag alas onse ng gabi habang nag-iinuman ang dalawang suspek malapit sa bahay ng biktima. Dalawang beses na pinakiusapan umano ng biktima na manahimik o huwag mag-ingay ang mga ito dahil natutulog na ang apo nito sa oras na iyon.

Bigla na lamang umano uminit ang ulo ng mga ito saka binugbog ang biktima. Ang isa sa mga ito, kinilalang si Jose Alvarez ay tinaga nang dalawang beses ang biktima.

Nagtamo ng sugat sa kanang braso at pasa sa noo ang biktima at naitakbo agad sa pagamutan samantalang nasa kustodiya ng awtoridad ang dalawang suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments