𝗟𝗔𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬

Lima ang sugatan sa banggaan ng tricycle at motorsiklo sa Urdaneta, Pangasinan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon Pulisya, binabagtas ng dalawang sasakyan ang bahagi ng barangay San Vicente nang mangyari ang insidente.

Pauwi na umano sa bayan ng Laoac ang tricycle lulan ang dalawa pang pasahero nang banggain ang mga ito ng humaharurot na motorsiklo.

Dahil dito, sugatan ang driver ng tricycle at ang pasahero nito maging ang driver ng motorsiklo at backride nito na walang suot na helmet nang mangyari ang insidente.

Positibo sa alcohol breath test ang driver ng motorsiklo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments