𝗟𝗔𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗚𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚, 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗦𝗧𝗢𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗧𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗡𝗠𝗔𝗟𝗘𝗬

Inaresto ng pulisya ang 50 anyos na ginang matapos nitong bastusin at murahin ang ang kapitan ng Brgy. Tombor Binmaley Pangasinan.

Ayon sa pulisya, nakaduty umano si Brgy. Captain Randy Samson nang sumugod ang lasing na ginang sa barangay hall at nag iskandalo.

Hindi umano nagpaawat ang ginang sa mga tanod at pinagmumura at sinigawan ang kapitan.

Noon pa umano ay may personal nang galit ang ang ginang sa kapitan.

Nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek at haharap sa kaukulang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments