𝗟𝗔𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗦𝗔𝗞𝗦𝗔𝗞𝗜𝗡

Patay sa pananaksak ni Richard Guttierez ang isang 22 anyos na lalaki sa Brgy. Biec, Binmaley Pangasinan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagpunta sa bahay ni Guttierez ang lasing na biktima hanggang sila ay magkasagutan. Dahil dito, kumuha ng kutsilyo si Guttierez at sinaksak ang biktima sa tagiliran.

Itinakbo pa ng kaanak ni Guttierez ang biktima sa pagamutan ngunit hindi namatay ito habang isinasagawa ang operasyon.

Naaresto ng kapulisan ang suspek na haharap sa kasong homicide. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments